Kaya noong nakapunta siya roon, tinawag siya mula sa kanang pangpang ng lambak, sa pook na pinagpala, mula sa punong-kahoy, na [nagsasabi]: “O Moises, tunay na Ako ay si Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang. Al-Qaṣaṣ 28:30 ⧉
Tafsīr:
Kaya noong dumating si Moises sa apoy na nakita niya, tumawag sa kanya ang Panginoon niya – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya – mula sa kanang gilid ng lambak, sa kinaroroonang pinagpala ni Allāh dahil sa pakikipag-usap Niya kay Moises mula sa punong-kahoy, na [nagsasabi]: "O Moises, tunay na Ako ay si Allāh, ang Panginoon ng mga nilikha sa kabuuan nila.