Surah Ar-Ra‘d (Ang Kulog — الرعد) (Talata 4)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




13 Ar-Ra‘d(الرعد), Talata 4

وَفِي الْأَرْضِ قِطَعٌ مُتَجَاوِرَاتٌ وَجَنَّاتٌ مِنْ أَعْنَابٍ وَزَرْعٌ وَنَخِيلٌ صِنْوَانٌ وَغَيْرُ صِنْوَانٍ يُسْقَىٰ بِمَاءٍ وَاحِدٍ وَنُفَضِّلُ بَعْضَهَا عَلَىٰ بَعْضٍ فِي الْأُكُلِ ۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَآيَاتٍ لِقَوْمٍ يَعْقِلُونَ 4 ٤

Sa lupa ay may mga lote na nagkakatabihan, mga hardin ng mga ubas, pananim, at mga punong datiles na magkakumpol o hindi magkakumpol, na dinidilig ng nag-iisang tubig. Nagtangi Kami sa iba sa mga ito higit sa iba sa bunga. Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda para sa mga taong nakapag-uunawa. (4)

Tafsīr
Sa lupa ay may mga bahagi na nagkakalapitan. Dito ay may mga pataniman ng mga ubas. Dito ay may pananim at mga punong datiles na nagkakatipon sa nag-iisang pinag-ugatan at mga punong datiles na nagkakabukod sa pinag-ugatan ng mga ito. Dinidilig ang mga patanimang ito at ang mga pananim na iyon ng nag-iisang tubig. Nagtatangi Kami sa iba sa mga ito higit sa iba pa sa lasa at iba pa rito na mga pakinabang, sa kabila ng pagkakatabihan ng mga ito at pagdidilig sa mga ito ng nag-iisang tubig. Tunay na sa nabanggit na iyon ay talagang may mga patunay at mga patotoo para sa mga taong nakapag-uunawa dahil sila ay ang nagsasaalang-alang niyon.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba