Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Ar-Ra‘d — Talata 4 (Tagalog) — Bidyo

Ar-Ra‘d • Talata 4 sa 43 • Tagalog


وَفِي الْأَرْضِ قِطَعٌ مُتَجَاوِرَاتٌ وَجَنَّاتٌ مِنْ أَعْنَابٍ وَزَرْعٌ وَنَخِيلٌ صِنْوَانٌ وَغَيْرُ صِنْوَانٍ يُسْقَىٰ بِمَاءٍ وَاحِدٍ وَنُفَضِّلُ بَعْضَهَا عَلَىٰ بَعْضٍ فِي الْأُكُلِ ۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَآيَاتٍ لِقَوْمٍ يَعْقِلُونَ 4
Pagsasalin:
Sa lupa ay may mga lote na nagkakatabihan, mga hardin ng mga ubas, pananim, at mga punong datiles na magkakumpol o hindi magkakumpol, na dinidilig ng nag-iisang tubig. Nagtangi Kami sa iba sa mga ito higit sa iba sa bunga. Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda para sa mga taong nakapag-uunawa. Ar-Ra‘d 13:4
Tafsīr:
Sa lupa ay may mga bahagi na nagkakalapitan. Dito ay may mga pataniman ng mga ubas. Dito ay may pananim at mga punong datiles na nagkakatipon sa nag-iisang pinag-ugatan at mga punong datiles na nagkakabukod sa pinag-ugatan ng mga ito. Dinidilig ang mga patanimang ito at ang mga pananim na iyon ng nag-iisang tubig. Nagtatangi Kami sa iba sa mga ito higit sa iba pa sa lasa at iba pa rito na mga pakinabang, sa kabila ng pagkakatabihan ng mga ito at pagdidilig sa mga ito ng nag-iisang tubig. Tunay na sa nabanggit na iyon ay talagang may mga patunay at mga patotoo para sa mga taong nakapag-uunawa dahil sila ay ang nagsasaalang-alang niyon.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Ar-Ra‘d • Talata 3 Susunod Ar-Ra‘d • Talata 5