Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Ar-Ra‘d — Talata 5 (Tagalog) — Bidyo

Ar-Ra‘d • Talata 5 sa 43 • Tagalog


وَإِنْ تَعْجَبْ فَعَجَبٌ قَوْلُهُمْ أَإِذَا كُنَّا تُرَابًا أَإِنَّا لَفِي خَلْقٍ جَدِيدٍ ۗ أُولَٰئِكَ الَّذِينَ كَفَرُوا بِرَبِّهِمْ ۖ وَأُولَٰئِكَ الْأَغْلَالُ فِي أَعْنَاقِهِمْ ۖ وَأُولَٰئِكَ أَصْحَابُ النَّارِ ۖ هُمْ فِيهَا خَالِدُونَ 5
Pagsasalin:
Kung magtataka ka ay kataka-taka ang sabi nila: “Kapag kami ba ay naging alabok, tunay na kami ba ay talagang nasa isang pagkakalikhang bago?” Ang mga iyon ay ang mga tumangging sumampalataya sa Panginoon nila. Ang mga iyon ay ang [lalagyan ng] mga kulyar sa mga leeg nila. Ang mga iyon ay ang mga maninirahan sa Apoy. Sila ay doon mga mananatili. Ar-Ra‘d 13:5
Tafsīr:
Kung magtataka-taka ka, O Sugo, sa isang bagay, ang higit na karapat-dapat na magtataka-taka ka ay ang pagpapasinungaling nila sa pagkabuhay at ang sabi nila bilang pangangatwiran para sa pagtutol doon: "Kapag namatay ba kami at kami ay naging alabok at mga nadurog na butong bulok, bubuhayin ba kami at panunumbalikin kami bilang mga buhay?" Ang mga tagapagkailang iyon sa pagkabuhay matapos ng kamatayan ay ang mga tumangging sumampalataya sa Panginoon nila sapagkat nagkaila sila sa kakayahan Niya sa pagbuhay sa mga patay. Ang mga iyon ay lalagyan ng mga tanikalang yari sa apoy sa mga leeg nila sa Araw ng Pagbangon. Ang mga iyon ay ang mga maninirahan sa Apoy. Sila ay doon mga mamamalagi magpakailanman. Hindi sila daranas ng pagkalipol at hindi mapuputol sa kanila ang pagdurusa.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Ar-Ra‘d • Talata 4 Susunod Ar-Ra‘d • Talata 6