Nagmamadali sila sa iyo ng masagwa bago ng maganda samantalang lumipas na bago pa nila ang mga tulad na parusa. Tunay na ang Panginoon mo ay talagang may kapatawaran para sa mga tao sa kabila ng paglabag nila sa katarungan. Tunay ang Panginoon mo ay talagang matindi ang parusa. Ar-Ra‘d 13:6 ⧉
Tafsīr:
Nagmamadali sa iyo, O Sugo, ang mga tagapagtambal ng kaparusahan at nagmamabagal sila ng pagbaba nito sa kanila bago ng pagkabuo ng mga biyayang itinakda ni Allāh para sa kanila. Nagdaan na bago pa nila ang mga kaparusahan sa mga tulad nila kabilang sa mga kalipunang tagapagpasinungaling, kaya hindi ba sila nagsasaalang-alang sa mga ito? Tunay na ang Panginoon mo, O Sugo, ay talagang may pagpapalampas [sa sala] ng mga tao sa kabila ng paglabag nila sa katarungan sapagkat hindi Niya minamadali ang parusa sa kanila upang magbalik-loob sila kay Allāh. Tunay na Siya ay talagang malakas ang parusa para sa mga nagpupumilit sa kawalang-pananampalataya nila kung hindi sila nagbalik-loob.