Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Ar-Ra‘d — Talata 7 (Tagalog) — Bidyo

Ar-Ra‘d • Talata 7 sa 43 • Tagalog


وَيَقُولُ الَّذِينَ كَفَرُوا لَوْلَا أُنْزِلَ عَلَيْهِ آيَةٌ مِنْ رَبِّهِ ۗ إِنَّمَا أَنْتَ مُنْذِرٌ ۖ وَلِكُلِّ قَوْمٍ هَادٍ 7
Pagsasalin:
Nagsasabi ang mga tumangging sumampalataya: “Bakit kasi walang pinababa sa kanya na isang tanda mula sa Panginoon niya?” Ikaw ay isang tagapagbabala lamang. Para sa bawat [pangkat ng] mga tao ay may tagapagpatnubay. Ar-Ra‘d 13:7
Tafsīr:
Nagsasabi ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh bilang pagpapalabis sa pagbalakid at pagmamatigas: "Bakit nga ba walang pinababa kay Muḥammad na isang tanda mula sa Panginoon niya tulad ng pinababa kina Moises at Jesus?" Ikaw, O Sugo, ay isang tagapagbabala lamang. Nagpapangamba ka sa mga tao laban sa pagdurusa mula kay Allāh at wala kang anumang mga tanda kundi ang ibinigay sa iyo ni Allāh. Para sa bawat [pangkat ng] mga tao ay may propeta na gumagabay sa kanila tungo sa daan ng katotohanan at nagtuturo sa kanila roon.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Ar-Ra‘d • Talata 6 Susunod Ar-Ra‘d • Talata 8