Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Ar-Ra‘d — Talata 8 (Tagalog) — Bidyo

Ar-Ra‘d • Talata 8 sa 43 • Tagalog


اللَّهُ يَعْلَمُ مَا تَحْمِلُ كُلُّ أُنْثَىٰ وَمَا تَغِيضُ الْأَرْحَامُ وَمَا تَزْدَادُ ۖ وَكُلُّ شَيْءٍ عِنْدَهُ بِمِقْدَارٍ 8
Pagsasalin:
Si Allāh ay nakaaalam sa anumang dinadala ng bawat babae [sa sinapupunan], anumang kinakapos ang mga sinapupunan, at anumang lumalabis ang mga ito. Bawat bagay sa ganang Kanya ay ayon sa sukat, Ar-Ra‘d 13:8
Tafsīr:
Si Allāh ay nakaaalam sa anumang dinadala ng bawat babae sa tiyan nito, nakaaalam sa bawat bagay tungkol doon, nakaaalam sa anumang nangyayari sa mga sinapupunan na kakulangan at karagdagan, at kalusugan at kapansanan. Bawat bagay sa ganang Kanya – kaluwalhatian sa Kanya – ay tinakdaan ng sukat: hindi nakadaragdag dito at hindi nakababawas dito.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Ar-Ra‘d • Talata 7 Susunod Ar-Ra‘d • Talata 9