Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Kung magtataka ka ay kataka-taka ang sabi nila: “Kapag kami ba ay naging alabok, tunay na kami ba ay talagang nasa isang pagkakalikhang bago?” Ang mga iyon ay ang mga tumangging sumampalataya sa Panginoon nila. Ang mga iyon ay ang [lalagyan ng] mga kulyar sa mga leeg nila. Ang mga iyon ay ang mga maninirahan sa Apoy. Sila ay doon mga mananatili. (5)
Tafsīr
Kung magtataka-taka ka, O Sugo, sa isang bagay, ang higit na karapat-dapat na magtataka-taka ka ay ang pagpapasinungaling nila sa pagkabuhay at ang sabi nila bilang pangangatwiran para sa pagtutol doon: "Kapag namatay ba kami at kami ay naging alabok at mga nadurog na butong bulok, bubuhayin ba kami at panunumbalikin kami bilang mga buhay?" Ang mga tagapagkailang iyon sa pagkabuhay matapos ng kamatayan ay ang mga tumangging sumampalataya sa Panginoon nila sapagkat nagkaila sila sa kakayahan Niya sa pagbuhay sa mga patay. Ang mga iyon ay lalagyan ng mga tanikalang yari sa apoy sa mga leeg nila sa Araw ng Pagbangon. Ang mga iyon ay ang mga maninirahan sa Apoy. Sila ay doon mga mamamalagi magpakailanman. Hindi sila daranas ng pagkalipol at hindi mapuputol sa kanila ang pagdurusa.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: