Surah Ar-Ra‘d (Ang Kulog — الرعد) (Talata 7)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




13 Ar-Ra‘d(الرعد), Talata 7

وَيَقُولُ الَّذِينَ كَفَرُوا لَوْلَا أُنْزِلَ عَلَيْهِ آيَةٌ مِنْ رَبِّهِ ۗ إِنَّمَا أَنْتَ مُنْذِرٌ ۖ وَلِكُلِّ قَوْمٍ هَادٍ 7 ٧

Nagsasabi ang mga tumangging sumampalataya: “Bakit kasi walang pinababa sa kanya na isang tanda mula sa Panginoon niya?” Ikaw ay isang tagapagbabala lamang. Para sa bawat [pangkat ng] mga tao ay may tagapagpatnubay. (7)

Tafsīr
Nagsasabi ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh bilang pagpapalabis sa pagbalakid at pagmamatigas: "Bakit nga ba walang pinababa kay Muḥammad na isang tanda mula sa Panginoon niya tulad ng pinababa kina Moises at Jesus?" Ikaw, O Sugo, ay isang tagapagbabala lamang. Nagpapangamba ka sa mga tao laban sa pagdurusa mula kay Allāh at wala kang anumang mga tanda kundi ang ibinigay sa iyo ni Allāh. Para sa bawat [pangkat ng] mga tao ay may propeta na gumagabay sa kanila tungo sa daan ng katotohanan at nagtuturo sa kanila roon.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba