Surah Ibrāhīm (Abraham — إبراهيم) (Talata 11)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




14 Ibrāhīm(إبراهيم), Talata 11

قَالَتْ لَهُمْ رُسُلُهُمْ إِنْ نَحْنُ إِلَّا بَشَرٌ مِثْلُكُمْ وَلَٰكِنَّ اللَّهَ يَمُنُّ عَلَىٰ مَنْ يَشَاءُ مِنْ عِبَادِهِ ۖ وَمَا كَانَ لَنَا أَنْ نَأْتِيَكُمْ بِسُلْطَانٍ إِلَّا بِإِذْنِ اللَّهِ ۚ وَعَلَى اللَّهِ فَلْيَتَوَكَّلِ الْمُؤْمِنُونَ 11 ١١

Nagsabi sa kanila ang mga sugo nila [mula kay Allāh]: “Walang iba kami kundi mga taong tulad ninyo, subalit si Allāh ay nagmamagandang-loob sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya. Hindi naging ukol sa amin na magdala sa inyo ng isang katunayan malibang ayon sa pahintulot ni Allāh. Sa kay Allāh ay manalig ang mga mananampalataya. (11)

Tafsīr
Nagsabi sa kanila ang mga sugo nila bilang pagtugon sa kanila: "Walang iba Kami kundi mga taong tulad ninyo saka kami ay hindi nagkakaila sa pagkakatulad sa inyo roon, subalit hindi naoobliga mula sa pagkakatulad na iyon ang pagkakatulad sa bawat bagay. Si Allāh ay nagmamabuting-loob sa pamamagitan ng pagbibiyayang natatangi sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya, kaya humihirang Siya sa kanila ng mga sugo sa mga tao. Hindi natutumpak para sa amin na magdala kami sa inyo ng hiniling ninyo na isang katwiran malibang ayon sa kalooban ni Allāh sapagkat ang pagdadala niyon ay hindi nasa kakayahan namin, bagkus si Allāh lamang ay ang nakakakaya niyon. Kay Allāh lamang kinakailangan na sumandal ang mga mananampalataya sa mga pumapatungkol sa kanila sa kabuuan ng mga ito.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba