Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Ibrāhīm — Talata 11 (Tagalog) — Bidyo

Ibrāhīm • Talata 11 sa 52 • Tagalog


قَالَتْ لَهُمْ رُسُلُهُمْ إِنْ نَحْنُ إِلَّا بَشَرٌ مِثْلُكُمْ وَلَٰكِنَّ اللَّهَ يَمُنُّ عَلَىٰ مَنْ يَشَاءُ مِنْ عِبَادِهِ ۖ وَمَا كَانَ لَنَا أَنْ نَأْتِيَكُمْ بِسُلْطَانٍ إِلَّا بِإِذْنِ اللَّهِ ۚ وَعَلَى اللَّهِ فَلْيَتَوَكَّلِ الْمُؤْمِنُونَ 11
Pagsasalin:
Nagsabi sa kanila ang mga sugo nila [mula kay Allāh]: “Walang iba kami kundi mga taong tulad ninyo, subalit si Allāh ay nagmamagandang-loob sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya. Hindi naging ukol sa amin na magdala sa inyo ng isang katunayan malibang ayon sa pahintulot ni Allāh. Sa kay Allāh ay manalig ang mga mananampalataya. Ibrāhīm 14:11
Tafsīr:
Nagsabi sa kanila ang mga sugo nila bilang pagtugon sa kanila: "Walang iba Kami kundi mga taong tulad ninyo saka kami ay hindi nagkakaila sa pagkakatulad sa inyo roon, subalit hindi naoobliga mula sa pagkakatulad na iyon ang pagkakatulad sa bawat bagay. Si Allāh ay nagmamabuting-loob sa pamamagitan ng pagbibiyayang natatangi sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya, kaya humihirang Siya sa kanila ng mga sugo sa mga tao. Hindi natutumpak para sa amin na magdala kami sa inyo ng hiniling ninyo na isang katwiran malibang ayon sa kalooban ni Allāh sapagkat ang pagdadala niyon ay hindi nasa kakayahan namin, bagkus si Allāh lamang ay ang nakakakaya niyon. Kay Allāh lamang kinakailangan na sumandal ang mga mananampalataya sa mga pumapatungkol sa kanila sa kabuuan ng mga ito.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Ibrāhīm • Talata 10 Susunod Ibrāhīm • Talata 12