Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Ibrāhīm — Talata 12 (Tagalog) — Bidyo

Ibrāhīm • Talata 12 sa 52 • Tagalog


وَمَا لَنَا أَلَّا نَتَوَكَّلَ عَلَى اللَّهِ وَقَدْ هَدَانَا سُبُلَنَا ۚ وَلَنَصْبِرَنَّ عَلَىٰ مَا آذَيْتُمُونَا ۚ وَعَلَى اللَّهِ فَلْيَتَوَكَّلِ الْمُتَوَكِّلُونَ 12
Pagsasalin:
Ano ang mayroon sa amin na hindi kami manalig kay Allāh samantalang nagpatnubay nga Siya sa amin sa mga landas namin? Talagang magtitiis nga kami sa anumang pananakit ninyo sa amin. Sa kay Allāh ay manalig ang mga nananalig.” Ibrāhīm 14:12
Tafsīr:
Aling tagahadlang at aling dahi-dahilan ang humaharang sa pagitan namin at ng pananalig sa Kanya sapagkat gumabay nga Siya sa amin sa pinakatuwid sa mga daan at pinakamaliwanag sa mga ito. Talagang magtitiis nga kami sa pananakit ninyo sa amin dahil sa pagpapasinungaling at panunuya. Kay Allāh lamang kinakailangan na sumandal ang mga mananampalataya sa lahat ng mga nauukol sa kanila."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Ibrāhīm • Talata 11 Susunod Ibrāhīm • Talata 13