Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Ibrāhīm — Talata 13 (Tagalog) — Bidyo

Ibrāhīm • Talata 13 sa 52 • Tagalog


وَقَالَ الَّذِينَ كَفَرُوا لِرُسُلِهِمْ لَنُخْرِجَنَّكُمْ مِنْ أَرْضِنَا أَوْ لَتَعُودُنَّ فِي مِلَّتِنَا ۖ فَأَوْحَىٰ إِلَيْهِمْ رَبُّهُمْ لَنُهْلِكَنَّ الظَّالِمِينَ 13
Pagsasalin:
Nagsabi ang mga tumangging sumampalataya sa mga sugo sa kanila: “Talagang magpapalisan nga kami sa inyo mula sa lupain natin, o talagang manunumbalik nga kayo sa kapaniwalaan natin.” Kaya nagkasi sa kanila ang Panginoon nila: “Talagang magpapahamak nga Kami sa mga tagalabag sa katarungan, Ibrāhīm 14:13
Tafsīr:
Nagsabi ang mga tumangging sumampalataya kabilang sa mga tao ng mga sugo noong nawalang-kakayahan sila sa pakikipagkatwiran sa mga sugo nila: "Talagang magpapalisan nga kami sa inyo mula sa pamayanan natin, o talagang babalik nga kayo sa relihiyon namin." Kaya nagkasi Allāh sa mga sugo bilang pagpapatatag para sa kanila: "Talagang magpapahamak nga sa mga tagalabag sa katarungan na tumangging sumampalataya kay Allāh at sa mga sugo Niya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Ibrāhīm • Talata 12 Susunod Ibrāhīm • Talata 14