at talagang magpapatahan nga Kami sa inyo sa lupain matapos na nila. Iyon ay ukol sa sinumang nangamba sa katayuan Ko at nangamba sa banta Ko.” Ibrāhīm 14:14 ⧉
Tafsīr:
Talagang magpapatahan nga Kami sa inyo, O mga sugo at sinumang sumunod sa inyo, sa lupain matapos ng pagpapahamak sa kanila. Ang nabanggit na iyon na pagpapahamak sa mga tagatangging sumampalataya na mga tagapagpasinungaling at pagpapatahan sa mga sugo nila at mga mananampalataya sa lupain matapos ng pagpapahamak sa kanila ay ukol sa sinumang nagsagunita sa kadakilaan Ko at pagmamasid Ko sa kanya, at nangamba sa pagbabala Ko sa kanya ng pagdurusa."