Surah Ibrāhīm (Abraham — إبراهيم) (Talata 1)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




14 Ibrāhīm(إبراهيم), Talata 1

الر ۚ كِتَابٌ أَنْزَلْنَاهُ إِلَيْكَ لِتُخْرِجَ النَّاسَ مِنَ الظُّلُمَاتِ إِلَى النُّورِ بِإِذْنِ رَبِّهِمْ إِلَىٰ صِرَاطِ الْعَزِيزِ الْحَمِيدِ 1 ١

Alif. Lām. Rā’. [Ang Qur’ān na ito ay] isang Aklat na pinababa Namin sa iyo upang magpalabas ka sa mga tao mula sa mga kadiliman tungo sa liwanag ayon sa pahintulot ng Panginoon nila tungo sa landasin ng Makapangyarihan, Kapuri-puri: (1)

Tafsīr
Alif. Lām. Rā'. Nauna na ang pagtatalakay sa mga kapareho ng mga ito sa simula ng Kabanatang Al-Baqarah. Ang Qur'ān na ito ay aklat na pinababa Namin sa iyo, O Sugo, upang magpalabas ka sa mga tao mula sa kawalang-pananampalataya, kamangmangan, at kaligawan tungo sa pananampalataya, kaalaman, at kapatnubayan ayon sa pagnanais ni Allāh tungo sa Relihiyon ng Islām na siyang daan ni Allāh, ang Makapangyarihan na walang nakikipanaig sa Kanya na isa man, ang pinupuri sa bawat bagay.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba