Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Tatambad sila kay Allāh nang lahatan at magsasabi ang mga mahina sa mga nagmalaki: “Tunay na kami noon sa inyo ay tagasunod, kaya kayo kaya ay makapagdudulot sa amin ng anuman laban sa pagdurusang dulot ni Allāh?” Magsasabi ang mga iyon: “Kung sakaling nagpatnubay sa amin si Allāh ay talaga sanang nagpatnubay kami sa inyo. Magkapantay sa atin kung naligalig tayo o nagtiis tayo; walang ukol sa atin na anumang mapupuslitan.” (21)
Tafsīr
Lalabas ang mga nilikha mula sa mga libingan nila patungo kay Allāh sa Araw ng Tipanan at magsasabi ang mga tagasunod na mahina sa mga pinunong pangulo: "Tunay na kami noon sa inyo, O mga pinuno, ay mga tagasunod: nagpapautos kami sa utos ninyo at nagpapasaway kami sa saway ninyo, kaya kayo ba ay magsasanggalang sa amin ng anuman laban sa pagdurusa mula kay Allāh?" Magsasabi ang mga pinunong pangulo: "Kung sakaling nagtuon sa amin si Allāh sa kapatnubayan ay talaga sanang gumabay kami sa inyo roon at naligtas tayo nang sama-sama mula sa pagdurusa mula sa Kanya, subalit naligaw kami kaya nagpaligaw kami sa inyo. Magkakapantay sa amin at sa inyo na manghina tayo sa pagbata sa pagdurusa o na magtiis tayo; walang tayong matatakasan mula sa pagdurusa."
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: