Surah Ibrāhīm (Abraham — إبراهيم) (Talata 23)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




14 Ibrāhīm(إبراهيم), Talata 23

وَأُدْخِلَ الَّذِينَ آمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ جَنَّاتٍ تَجْرِي مِنْ تَحْتِهَا الْأَنْهَارُ خَالِدِينَ فِيهَا بِإِذْنِ رَبِّهِمْ ۖ تَحِيَّتُهُمْ فِيهَا سَلَامٌ 23 ٢٣

Papapasukin ang mga sumampalataya at gumagawa ng mga maayos sa mga Hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog bilang mga mananatili sa mga ito ayon sa pahintulot ng Panginoon nila. Ang pagbati nila roon ay kapayapaan. (23)

Tafsīr
Bilang kasalungatan naman sa hantungan ng mga tagalabag sa katarungan, papapasukin ang mga sumampalataya at gumagawa ng mga gawang maayos sa mga Hardin na dumadaloy ang mga ilog mula sa ilalim ng mga palasyo ng mga ito at mga puno ng mga ito bilang mga mamamalagi sa mga ito magpakailanman ayon sa pahintulot ng Panginoon nila at kapangyarihan Niya. Babati ang isa't isa sa kanila. Babati sa kanila ang mga anghel. Babati sa kanila roon ang Panginoon nila – kaluwalhatian sa Kanya – ng kapayapaan.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba