Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Ibrāhīm — Talata 23 (Tagalog) — Bidyo

Ibrāhīm • Talata 23 sa 52 • Tagalog


وَأُدْخِلَ الَّذِينَ آمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ جَنَّاتٍ تَجْرِي مِنْ تَحْتِهَا الْأَنْهَارُ خَالِدِينَ فِيهَا بِإِذْنِ رَبِّهِمْ ۖ تَحِيَّتُهُمْ فِيهَا سَلَامٌ 23
Pagsasalin:
Papapasukin ang mga sumampalataya at gumagawa ng mga maayos sa mga Hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog bilang mga mananatili sa mga ito ayon sa pahintulot ng Panginoon nila. Ang pagbati nila roon ay kapayapaan. Ibrāhīm 14:23
Tafsīr:
Bilang kasalungatan naman sa hantungan ng mga tagalabag sa katarungan, papapasukin ang mga sumampalataya at gumagawa ng mga gawang maayos sa mga Hardin na dumadaloy ang mga ilog mula sa ilalim ng mga palasyo ng mga ito at mga puno ng mga ito bilang mga mamamalagi sa mga ito magpakailanman ayon sa pahintulot ng Panginoon nila at kapangyarihan Niya. Babati ang isa't isa sa kanila. Babati sa kanila ang mga anghel. Babati sa kanila roon ang Panginoon nila – kaluwalhatian sa Kanya – ng kapayapaan.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Ibrāhīm • Talata 22 Susunod Ibrāhīm • Talata 24