Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Ibrāhīm — Talata 24 (Tagalog) — Bidyo

Ibrāhīm • Talata 24 sa 52 • Tagalog


أَلَمْ تَرَ كَيْفَ ضَرَبَ اللَّهُ مَثَلًا كَلِمَةً طَيِّبَةً كَشَجَرَةٍ طَيِّبَةٍ أَصْلُهَا ثَابِتٌ وَفَرْعُهَا فِي السَّمَاءِ 24
Pagsasalin:
Hindi mo ba napag-alaman kung papaanong naglahad si Allāh ng isang paghahalintulad na isang salitang kaaya-aya na gaya ng isang punong-kahoy na kaaya-aya na ang ugat nito ay matatag at ang mga sanga nito ay nasa langit? Ibrāhīm 14:24
Tafsīr:
Hindi mo ba nalaman, O Sugo, kung papaanong naglahad si Allāh ng isang paghahalintulad para sa adhikain ng paniniwala sa kaisahan ni Allāh na: Walang Diyos kundi si Allāh, nang naghalintulad Siya nito sa isang punong-kahoy na kaaya-aya, ang [punong] datiles? Ang puno nito ay nakabaon sa ilalim ng lupa habang umiinom ng tubig sa pamamagitan ng mga ugat nitong kaaya-aya at ang mga sanga nito ay nakaangat tungo sa langit habang umiinom mula sa hamog at nagbubuga ng hanging kaaya-aya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Ibrāhīm • Talata 23 Susunod Ibrāhīm • Talata 25