Surah Ibrāhīm (Abraham — إبراهيم) (Talata 24)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




14 Ibrāhīm(إبراهيم), Talata 24

أَلَمْ تَرَ كَيْفَ ضَرَبَ اللَّهُ مَثَلًا كَلِمَةً طَيِّبَةً كَشَجَرَةٍ طَيِّبَةٍ أَصْلُهَا ثَابِتٌ وَفَرْعُهَا فِي السَّمَاءِ 24 ٢٤

Hindi mo ba napag-alaman kung papaanong naglahad si Allāh ng isang paghahalintulad na isang salitang kaaya-aya na gaya ng isang punong-kahoy na kaaya-aya na ang ugat nito ay matatag at ang mga sanga nito ay nasa langit? (24)

Tafsīr
Hindi mo ba nalaman, O Sugo, kung papaanong naglahad si Allāh ng isang paghahalintulad para sa adhikain ng paniniwala sa kaisahan ni Allāh na: Walang Diyos kundi si Allāh, nang naghalintulad Siya nito sa isang punong-kahoy na kaaya-aya, ang [punong] datiles? Ang puno nito ay nakabaon sa ilalim ng lupa habang umiinom ng tubig sa pamamagitan ng mga ugat nitong kaaya-aya at ang mga sanga nito ay nakaangat tungo sa langit habang umiinom mula sa hamog at nagbubuga ng hanging kaaya-aya.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba