Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Nagpapatatag si Allāh sa mga sumampalataya sa pamamagitan ng sinasabing matatag sa buhay sa Mundo at sa Kabilang-buhay. Nagliligaw si Allāh sa mga tagalabag sa katarungan. Gumagawa si Allāh ng anumang niloloob Niya. (27)
Tafsīr
Nagpapatatag si Allāh sa mga mananampalataya sa pamamagitan ng matatag na adhikain ng paniniwala sa kaisahan ni Allāh ayon sa pananampalatayang lubos sa buhay na pangmundo hanggang sa mamatay sila habang sila ay nasa pananampalataya at sa Barzakh sa mga libingan nila sa sandali ng pagtatanong [ng anghel]. Magpapatatag Siya sa kanila sa Araw ng Pagbangon. Magliligaw si Allāh sa mga tagalabag sa katarungan dahil sa pagtatambal sa Kanya at kawalang-pananampalataya sa Kanya palayo sa pagkatama at katinuan. Gumagawa si Allāh ng anumang niloloob Niya na pagliligaw sa sinumang ninais Niya ang pagliligaw roon ayon sa katarungan Niya at kapatnubayan sa sinumang niloob Niya ang pagpapatnubay roon ayon sa kabutihang-loob Niya sapagkat walang nakapipilit sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: