Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Ibrāhīm — Talata 27 (Tagalog) — Bidyo

Ibrāhīm • Talata 27 sa 52 • Tagalog


يُثَبِّتُ اللَّهُ الَّذِينَ آمَنُوا بِالْقَوْلِ الثَّابِتِ فِي الْحَيَاةِ الدُّنْيَا وَفِي الْآخِرَةِ ۖ وَيُضِلُّ اللَّهُ الظَّالِمِينَ ۚ وَيَفْعَلُ اللَّهُ مَا يَشَاءُ 27
Pagsasalin:
Nagpapatatag si Allāh sa mga sumampalataya sa pamamagitan ng sinasabing matatag sa buhay sa Mundo at sa Kabilang-buhay. Nagliligaw si Allāh sa mga tagalabag sa katarungan. Gumagawa si Allāh ng anumang niloloob Niya. Ibrāhīm 14:27
Tafsīr:
Nagpapatatag si Allāh sa mga mananampalataya sa pamamagitan ng matatag na adhikain ng paniniwala sa kaisahan ni Allāh ayon sa pananampalatayang lubos sa buhay na pangmundo hanggang sa mamatay sila habang sila ay nasa pananampalataya at sa Barzakh sa mga libingan nila sa sandali ng pagtatanong [ng anghel]. Magpapatatag Siya sa kanila sa Araw ng Pagbangon. Magliligaw si Allāh sa mga tagalabag sa katarungan dahil sa pagtatambal sa Kanya at kawalang-pananampalataya sa Kanya palayo sa pagkatama at katinuan. Gumagawa si Allāh ng anumang niloloob Niya na pagliligaw sa sinumang ninais Niya ang pagliligaw roon ayon sa katarungan Niya at kapatnubayan sa sinumang niloob Niya ang pagpapatnubay roon ayon sa kabutihang-loob Niya sapagkat walang nakapipilit sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Ibrāhīm • Talata 26 Susunod Ibrāhīm • Talata 28