Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Ibrāhīm — Talata 26 (Tagalog) — Bidyo

Ibrāhīm • Talata 26 sa 52 • Tagalog


وَمَثَلُ كَلِمَةٍ خَبِيثَةٍ كَشَجَرَةٍ خَبِيثَةٍ اجْتُثَّتْ مِنْ فَوْقِ الْأَرْضِ مَا لَهَا مِنْ قَرَارٍ 26
Pagsasalin:
Ang paghahalintulad sa isang salitang karima-rimarim ay gaya sa isang punong-kahoy na karima-rimarin na nabunot mula sa ibabaw ng lupa; walang ukol dito na anumang pamamalagian. Ibrāhīm 14:26
Tafsīr:
Ang paghahalintulad sa karima-rimarim na adhikain ng pagtatambal kay Allāh ay tulad ng isang punong-kahoy na karima-rimarin, ang halamang ḥanđal (ligaw na pakwan), na nabunot mula sa ugat nito, na wala itong katatagan sa lupa at walang pagkaangat tungo sa langit, kaya namamatay ito at inililipad ng mga hangin. Ang adhikain ng kawalang-pananampalataya, ang kauuwian nito ay ang pagkalipol; at walang aakyat na gawang kaaya-aya kay Allāh para sa tagapagtaguyod nito.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Ibrāhīm • Talata 25 Susunod Ibrāhīm • Talata 27