Surah Yā Sīn (Ya-Sin — يس) (Talata 12)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




36 Yā Sīn(يس), Talata 12

إِنَّا نَحْنُ نُحْيِي الْمَوْتَىٰ وَنَكْتُبُ مَا قَدَّمُوا وَآثَارَهُمْ ۚ وَكُلَّ شَيْءٍ أَحْصَيْنَاهُ فِي إِمَامٍ مُبِينٍ 12 ١٢

Tunay na Kami ay nagbibigay-buhay sa mga patay at nagtatala ng anumang ipinauna nila at mga bakas nila [na maganda at masagwa]. Sa bawat bagay ay nag-isa-isa Kami sa isang talaang malinaw. (12)

Tafsīr
Tunay na Kami ay nagbibigay-buhay sa mga patay sa pamamagitan ng muling pagkabuhay nila para sa pagtutuos sa Araw ng Pagbangon, nagtatala ng anumang ipinauna nila sa buhay nilang pangmundo na mga gawaing maayos at masagwa, at nagtatala ng anumang mayroon sila na bakas na natitira matapos ng pagkamatay nila, na maayos gaya ng kawanggawang nagpapatuloy o masagwa gaya ng kawalang-pananampalataya. Nag-isa-isa nga Kami sa bawat bagay sa isang talaang maliwanag, ang Tablerong Pinangangalagaan.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba