Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Yā Sīn — Talata 12 (Tagalog) — Bidyo

Yā Sīn • Talata 12 sa 83 • Tagalog


إِنَّا نَحْنُ نُحْيِي الْمَوْتَىٰ وَنَكْتُبُ مَا قَدَّمُوا وَآثَارَهُمْ ۚ وَكُلَّ شَيْءٍ أَحْصَيْنَاهُ فِي إِمَامٍ مُبِينٍ 12
Pagsasalin:
Tunay na Kami ay nagbibigay-buhay sa mga patay at nagtatala ng anumang ipinauna nila at mga bakas nila [na maganda at masagwa]. Sa bawat bagay ay nag-isa-isa Kami sa isang talaang malinaw. Yā Sīn 36:12
Tafsīr:
Tunay na Kami ay nagbibigay-buhay sa mga patay sa pamamagitan ng muling pagkabuhay nila para sa pagtutuos sa Araw ng Pagbangon, nagtatala ng anumang ipinauna nila sa buhay nilang pangmundo na mga gawaing maayos at masagwa, at nagtatala ng anumang mayroon sila na bakas na natitira matapos ng pagkamatay nila, na maayos gaya ng kawanggawang nagpapatuloy o masagwa gaya ng kawalang-pananampalataya. Nag-isa-isa nga Kami sa bawat bagay sa isang talaang maliwanag, ang Tablerong Pinangangalagaan.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Yā Sīn • Talata 11 Susunod Yā Sīn • Talata 13