Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Yā Sīn — Talata 11 (Tagalog) — Bidyo

Yā Sīn • Talata 11 sa 83 • Tagalog


إِنَّمَا تُنْذِرُ مَنِ اتَّبَعَ الذِّكْرَ وَخَشِيَ الرَّحْمَٰنَ بِالْغَيْبِ ۖ فَبَشِّرْهُ بِمَغْفِرَةٍ وَأَجْرٍ كَرِيمٍ 11
Pagsasalin:
Makapagbabala ka lamang sa sinumang sumunod sa paalaala at natakot sa Napakamaawain nang nakalingid [sa pandama nila]. Kaya magbalita ka ng nakagagalak sa kanya hinggil sa isang kapatawaran at isang pabuyang marangal. Yā Sīn 36:11
Tafsīr:
Tunay na ang nakikinabang nang totohanan sa pagbabala mo ay ang sinumang nagpatotoo sa Qur'ān na ito, sumunod sa nasaad dito, at nangamba sa Panginoon niya sa pag-iisa kung saan hindi nakakikita sa kanya ang iba pa sa kanya. Kaya magbalita ka sa sinumang ito ang mga katangian niya ng magpapatuwa sa kanya na pagbura ni Allāh sa mga pagkakasala niya at kapatawaran Niya sa mga ito. Kabilang sa gantimpalang sukdulan na naghihintay sa kanya sa Kabilang-buhay ay ang pagpasok sa Paraiso.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Yā Sīn • Talata 10 Susunod Yā Sīn • Talata 12