Hindi mo ba nakita ang mga nagpalit sa biyaya ni Allāh ng kawalang-pananampalataya at nagpatahan sa mga tao nila sa tahanan ng kapariwaraan? Ibrāhīm 14:28 ⧉
Tafsīr:
Talaga ngang nakita mo ang kalagayan ng mga tumangging sumampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya kabilang sa liping Quraysh nang nagpalit sila sa pagbibiyaya ni Allāh sa kanila ng katiwasayan sa Makkah at ng pagpapadala kay Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – sa kanila. Nagpalit sila roon ng kawalang-pasasalamat sa mga biyaya ni Allāh nang nagpasinungaling sila sa inihatid niya mula sa Panginoon niya. Pinatuloy nila ang sinumang sumunod sa kanila sa kawalang-pananampalataya kabilang sa mga kalipi nila sa tahanan ng kapahamakan.