Surah Ibrāhīm (Abraham — إبراهيم) (Talata 28)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




14 Ibrāhīm(إبراهيم), Talata 28

أَلَمْ تَرَ إِلَى الَّذِينَ بَدَّلُوا نِعْمَتَ اللَّهِ كُفْرًا وَأَحَلُّوا قَوْمَهُمْ دَارَ الْبَوَارِ 28 ٢٨

Hindi mo ba nakita ang mga nagpalit sa biyaya ni Allāh ng kawalang-pananampalataya at nagpatahan sa mga tao nila sa tahanan ng kapariwaraan? (28)

Tafsīr
Talaga ngang nakita mo ang kalagayan ng mga tumangging sumampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya kabilang sa liping Quraysh nang nagpalit sila sa pagbibiyaya ni Allāh sa kanila ng katiwasayan sa Makkah at ng pagpapadala kay Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – sa kanila. Nagpalit sila roon ng kawalang-pasasalamat sa mga biyaya ni Allāh nang nagpasinungaling sila sa inihatid niya mula sa Panginoon niya. Pinatuloy nila ang sinumang sumunod sa kanila sa kawalang-pananampalataya kabilang sa mga kalipi nila sa tahanan ng kapahamakan.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba