Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Sabihin mo sa mga lingkod Ko na mga sumampalataya na magpanatili sila ng pagdarasal at gumugol sila mula sa itinustos Namin sa kanila nang palihim at nang hayagan bago pa may pumuntang isang araw na walang bilihan doon at walang pakikipagkaibigan. (31)
Tafsīr
Sabihin mo, O Sugo, sa mga mananampalataya: "O mga mananampalataya, magsagawa kayo ng pagdarasal ayon sa pinakaganap na paraan. Gumugol kayo mula sa itinustos sa inyo ni Allāh ng mga guguling isinasatungkulin at itinuturing na kaibig-ibig, nang pakubli dahil sa pangamba laban sa pagpapakitang-tao at nang hayagan upang tumulad sa inyo ang iba pa sa inyo bago pa may dumating na isang araw na walang bilihan doon ni pantubos na ipantutubos mula sa pagdurusang dulot ni Allāh ni pagkakaibigan upang mamagitan ang kaibigan sa kaibigan niya."
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: