Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Ibrāhīm — Talata 31 (Tagalog) — Bidyo

Ibrāhīm • Talata 31 sa 52 • Tagalog


قُلْ لِعِبَادِيَ الَّذِينَ آمَنُوا يُقِيمُوا الصَّلَاةَ وَيُنْفِقُوا مِمَّا رَزَقْنَاهُمْ سِرًّا وَعَلَانِيَةً مِنْ قَبْلِ أَنْ يَأْتِيَ يَوْمٌ لَا بَيْعٌ فِيهِ وَلَا خِلَالٌ 31
Pagsasalin:
Sabihin mo sa mga lingkod Ko na mga sumampalataya na magpanatili sila ng pagdarasal at gumugol sila mula sa itinustos Namin sa kanila nang palihim at nang hayagan bago pa may pumuntang isang araw na walang bilihan doon at walang pakikipagkaibigan. Ibrāhīm 14:31
Tafsīr:
Sabihin mo, O Sugo, sa mga mananampalataya: "O mga mananampalataya, magsagawa kayo ng pagdarasal ayon sa pinakaganap na paraan. Gumugol kayo mula sa itinustos sa inyo ni Allāh ng mga guguling isinasatungkulin at itinuturing na kaibig-ibig, nang pakubli dahil sa pangamba laban sa pagpapakitang-tao at nang hayagan upang tumulad sa inyo ang iba pa sa inyo bago pa may dumating na isang araw na walang bilihan doon ni pantubos na ipantutubos mula sa pagdurusang dulot ni Allāh ni pagkakaibigan upang mamagitan ang kaibigan sa kaibigan niya."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Ibrāhīm • Talata 30 Susunod Ibrāhīm • Talata 32