Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Ibrāhīm — Talata 32 (Tagalog) — Bidyo

Ibrāhīm • Talata 32 sa 52 • Tagalog


اللَّهُ الَّذِي خَلَقَ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضَ وَأَنْزَلَ مِنَ السَّمَاءِ مَاءً فَأَخْرَجَ بِهِ مِنَ الثَّمَرَاتِ رِزْقًا لَكُمْ ۖ وَسَخَّرَ لَكُمُ الْفُلْكَ لِتَجْرِيَ فِي الْبَحْرِ بِأَمْرِهِ ۖ وَسَخَّرَ لَكُمُ الْأَنْهَارَ 32
Pagsasalin:
Si Allāh ang lumikha ng mga langit at lupa at nagpababa mula sa langit ng tubig kaya nagpalabas Siya sa pamamagitan nito ng mga bunga bilang panustos para sa inyo. Pinagsilbi Niya para sa inyo ang mga sasakyang-dagat upang maglayag sa dagat ayon sa utos Niya at pinagsilbi Niya para sa inyo ang mga ilog. Ibrāhīm 14:32
Tafsīr:
Si Allāh ang nagpasimula ng mga langit, nagpasimula ng lupa nang walang naunang pagkakatulad, at nagpababa mula sa langit ng tubig ng ulan kaya nagpalabas Siya sa pamamagitan ng pinababang tubig na iyon ng mga uri ng mga bunga bilang panustos para sa inyo, O mga tao. Nagpaamo Siya para sa inyo ng mga daong habang naglalayag sa tubig kaayon sa pagtatakda Niya. Nagpaamo Siya para sa inyo ng mga ilog upang uminom kayo mula sa mga ito at magpatubig kayo sa mga hayupan ninyo at mga pananim ninyo.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Ibrāhīm • Talata 31 Susunod Ibrāhīm • Talata 33