Surah Ibrāhīm (Abraham — إبراهيم) (Talata 37)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




14 Ibrāhīm(إبراهيم), Talata 37

رَبَّنَا إِنِّي أَسْكَنْتُ مِنْ ذُرِّيَّتِي بِوَادٍ غَيْرِ ذِي زَرْعٍ عِنْدَ بَيْتِكَ الْمُحَرَّمِ رَبَّنَا لِيُقِيمُوا الصَّلَاةَ فَاجْعَلْ أَفْئِدَةً مِنَ النَّاسِ تَهْوِي إِلَيْهِمْ وَارْزُقْهُمْ مِنَ الثَّمَرَاتِ لَعَلَّهُمْ يَشْكُرُونَ 37 ٣٧

Panginoon namin, tunay na ako ay nagpatahan ng ilan sa mga supling ko sa isang lambak na hindi may pananim, sa tabi ng Bahay Mong Pinabanal, Panginoon namin, upang magpanatili sila ng pagdarasal. Kaya gumawa Ka sa mga puso ng ilan sa mga tao na nahuhumaling sa kanila at magtustos Ka sa kanila mula sa mga bunga nang sa gayon sila ay magpapasalamat. (37)

Tafsīr
Panginoon namin, tunay na ako ay nagpatahan ng ilan sa mga supling ko – ang anak kong si Ismael at ang mga anak niya – sa isang lambak (ang Makkah) na walang pananim doon at walang tubig, sa karatig ng Bahay Mong Binanal. Panginoon namin, nagpatahan ako sa kanila sa karatig niyon upang magpanatili sila ng pagdarasal doon. Kaya gawin Mo, O Panginoon ko, ang mga puso ng mga tao na nananabik sa kanila at sa bayang ito. Magtustos Ka sa kanila mula sa mga bunga, sa pag-asang magpasalamat sila sa Iyo sa pagbibiyaya Mo sa kanila.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba