Surah Ibrāhīm (Abraham — إبراهيم) (Talata 44)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




14 Ibrāhīm(إبراهيم), Talata 44

وَأَنْذِرِ النَّاسَ يَوْمَ يَأْتِيهِمُ الْعَذَابُ فَيَقُولُ الَّذِينَ ظَلَمُوا رَبَّنَا أَخِّرْنَا إِلَىٰ أَجَلٍ قَرِيبٍ نُجِبْ دَعْوَتَكَ وَنَتَّبِعِ الرُّسُلَ ۗ أَوَلَمْ تَكُونُوا أَقْسَمْتُمْ مِنْ قَبْلُ مَا لَكُمْ مِنْ زَوَالٍ 44 ٤٤

Magbabala ka sa mga tao ng isang araw na pupunta sa kanila ang pagdurusa kaya magsasabi ang mga lumabag sa katarungan [dahil sa kawalang-pananampalataya]: “Panginoon namin, mag-antala Ka sa amin hanggang sa isang taning na malapit, sasagot kami sa paanyaya Mo at susunod kami sa mga sugo Mo.” [Magsasabi si Allāh:] “Hindi ba nangyaring kayo ay sumumpa bago pa niyan na wala kayong anumang pagtigil [sa buhay sa Mundo]? (44)

Tafsīr
Magpangamba ka, O Sugo, sa kalipunan mo ng pagdurusang dulot ni Allāh sa Araw ng Pagbangon kaya magsasabi sa sandaling iyon ang mga lumabag sa katarungan sa mga sarili nila dahil sa kawalang-pananampalataya kay Allāh at pagtatambal sa Kanya: "O Panginoon namin, mag-antala Ka sa amin, mag-antala Ka sa amin ng pagdurusa, at magsauli Ka sa amin sa Mundo sa isang madaling yugto; sasampalataya kami sa Iyo at susunod kami sa mga sugong ipinadala Mo sa amin." Kaya sasagutin sila bilang pagtuligsa sa kanila: "Hindi ba nangyaring kayo ay sumumpa sa [panahon ng] buhay na pangmundo na kayo ay walang paglipat mula sa buhay na pangmundo patungo sa Kabilang-buhay habang mga nagkakaila sa pagbubuhay matapos ng kamatayan?"

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba