Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Hindi nagsugo ng anumang sugo kundi ayon sa wika ng mga tao niya upang maglinaw siya sa kanila, ngunit nagliligaw si Allāh sa sinumang niloloob Niya at nagpapatnubay Siya sa sinumang niloloob Niya [ayon sa Kabutihang-loob Niya]. Siya ay ang Makapangyarihan, ang Marunong. (4)
Tafsīr
Hindi nagpadala ng anumang sugo malibang ipinadala siya bilang tagapagsalita sa wika ng mga tao niya upang padaliin sa kanila ang pag-intindi sa inihatid niya mula sa ganang kay Allāh. Hindi nagpadala sa kanya para mamilit sa kanila sa pananampalataya kay Allāh sapagkat si Allāh ay nagliligaw sa sinumang niloloob Niya ayon sa katarungan Niya at nagtutuon Siya sa sinumang niloloob Niya sa kapatnubayan ayon sa kabutihang-loob Niya. Siya ay ang Makapangyarihan na walang nakikipanaig sa Kanya na isa man, ang Marunong sa paglikha Niya at pangangasiwa Niya.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: