Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Ibrāhīm — Talata 4 (Tagalog) — Bidyo

Ibrāhīm • Talata 4 sa 52 • Tagalog


وَمَا أَرْسَلْنَا مِنْ رَسُولٍ إِلَّا بِلِسَانِ قَوْمِهِ لِيُبَيِّنَ لَهُمْ ۖ فَيُضِلُّ اللَّهُ مَنْ يَشَاءُ وَيَهْدِي مَنْ يَشَاءُ ۚ وَهُوَ الْعَزِيزُ الْحَكِيمُ 4
Pagsasalin:
Hindi nagsugo ng anumang sugo kundi ayon sa wika ng mga tao niya upang maglinaw siya sa kanila, ngunit nagliligaw si Allāh sa sinumang niloloob Niya at nagpapatnubay Siya sa sinumang niloloob Niya [ayon sa Kabutihang-loob Niya]. Siya ay ang Makapangyarihan, ang Marunong. Ibrāhīm 14:4
Tafsīr:
Hindi nagpadala ng anumang sugo malibang ipinadala siya bilang tagapagsalita sa wika ng mga tao niya upang padaliin sa kanila ang pag-intindi sa inihatid niya mula sa ganang kay Allāh. Hindi nagpadala sa kanya para mamilit sa kanila sa pananampalataya kay Allāh sapagkat si Allāh ay nagliligaw sa sinumang niloloob Niya ayon sa katarungan Niya at nagtutuon Siya sa sinumang niloloob Niya sa kapatnubayan ayon sa kabutihang-loob Niya. Siya ay ang Makapangyarihan na walang nakikipanaig sa Kanya na isa man, ang Marunong sa paglikha Niya at pangangasiwa Niya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Ibrāhīm • Talata 3 Susunod Ibrāhīm • Talata 5