na mga napaibig sa buhay na pangmundo higit sa Kabilang-buhay, sumasagabal sa landas ni Allāh, at naghahangad dito ng isang kabaluktutan. Ang mga iyon ay nasa isang pagkaligaw na malayo. Ibrāhīm 14:3 ⧉
Tafsīr:
Ang mga tumangging sumampalataya ay nagtatangi sa buhay na pangmundo at anumang narito na kaginhawahang maglalaho higit sa Kabilang-buhay at anumang naroon na kaginhawahang mamamalagi, naglilihis sa mga tao palayo sa daan ni Allāh, at humihiling para sa daan Niya ng pagpapapangit, pagliko palayo sa katotohanan, at pagkiling palayo sa pagpapakatuwid hanggang sa hindi tumahak dito ang isa man. Ang mga nailarawang iyon sa mga katangiang iyon ay nasa isang pagkaligaw na malayo sa katotohanan at pagkatama.