Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Ito ay isang pagpapaabot para sa mga tao at upang mapagbalaan sila sa pamamagitan nito, upang makaalam sila na Siya ay Diyos na nag-iisa lamang, at upang magsaalaala ang mga may isip. (52)
Tafsīr
Ang Qur'ān na ito na ibinaba kay Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ay isang pagbibigay-alam mula kay Allāh patungo sa mga tao. [Ito ay] upang pangambahin sila sa pamamagitan ng taglay nito na pagpapangilabot at matinding banta, upang makaalam sila na ang sinasamba ayon sa karapatan ay si Allāh lamang para sumamba sila sa Kanya at hindi sila magtambal sa Kanya ng isa man, at upang mapangaralan sila sa pamamagitan nito at magsaalang-alang ang mga nagtataglay ng mga matinong pag-iisip dahil sila ay ang nakikinabang sa mga pangaral at mga isinasaalang-alang.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: