Surah An-Naḥl (Ang Bubuyog — النحل) (Talata 103)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




16 An-Naḥl(النحل), Talata 103

وَلَقَدْ نَعْلَمُ أَنَّهُمْ يَقُولُونَ إِنَّمَا يُعَلِّمُهُ بَشَرٌ ۗ لِسَانُ الَّذِي يُلْحِدُونَ إِلَيْهِ أَعْجَمِيٌّ وَهَٰذَا لِسَانٌ عَرَبِيٌّ مُبِينٌ 103 ١٠٣

Talaga ngang nakaaalam Kami na sila ay nagsasabi: “Tinuturuan lamang siya ng isang tao.” Ang dila ng ipinasasaring nila ay banyaga samantalang [ang Qur’ān na] ito ay isang dilang Arabeng malinaw.” (103)

Tafsīr
Kami ay nakaaalam na ang mga tagapagtambal ay nagsasabi: "Tunay na si Muḥammad – ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan ay sumakanya – ay tinuturuan lamang ng Qur'ān ng isang tao." Sila ay mga sinungaling sa pahayag nila sapagkat ang wika ng inaakala nila na iyon ay nagtuturo sa kanya ay banyaga samantalang ang Qur'ān na ito ay ibinaba sa isang dilang Arabeng maliwanag na may retorikang mataas, kaya papaanong nag-aakala sila na siya ay nakatanggap nito mula sa isang banyaga?"

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba