Surah An-Naḥl (Ang Bubuyog — النحل) (Talata 10)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




16 An-Naḥl(النحل), Talata 10

هُوَ الَّذِي أَنْزَلَ مِنَ السَّمَاءِ مَاءً ۖ لَكُمْ مِنْهُ شَرَابٌ وَمِنْهُ شَجَرٌ فِيهِ تُسِيمُونَ 10 ١٠

Siya ay ang nagpababa mula sa langit ng tubig, na para sa inyo mula rito ay may inumin at mula rito ay may mga punong-kahoy na sa mga ito nagpapastol kayo. (10)

Tafsīr
Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay ang nagpababa para sa inyo ng tubig mula sa mga ulap. Para sa inyo mula sa tubig na iyon ay inuming iniinom ninyo at iniinom ng mga hayupan ninyo. Mula roon ang nangyayaring pagtubo ng mga punong-kahoy, na doon ay nagpapastol kayo ng mga alaga ninyo.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba