Siya ay ang nagpababa mula sa langit ng tubig, na para sa inyo mula rito ay may inumin at mula rito ay may mga punong-kahoy na sa mga ito nagpapastol kayo. An-Naḥl 16:10 ⧉
Tafsīr:
Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay ang nagpababa para sa inyo ng tubig mula sa mga ulap. Para sa inyo mula sa tubig na iyon ay inuming iniinom ninyo at iniinom ng mga hayupan ninyo. Mula roon ang nangyayaring pagtubo ng mga punong-kahoy, na doon ay nagpapastol kayo ng mga alaga ninyo.