Landscape MP4 Vertical MP4

Surah An-Naḥl — Talata 11 (Tagalog) — Bidyo

An-Naḥl • Talata 11 sa 128 • Tagalog


يُنْبِتُ لَكُمْ بِهِ الزَّرْعَ وَالزَّيْتُونَ وَالنَّخِيلَ وَالْأَعْنَابَ وَمِنْ كُلِّ الثَّمَرَاتِ ۗ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَآيَةً لِقَوْمٍ يَتَفَكَّرُونَ 11
Pagsasalin:
Nagpapatubo Siya para sa inyo sa pamamagitan niyon ng mga pananim, mga oliba, mga datiles, mga ubas, at kabilang sa lahat ng mga bunga. Tunay na sa gayon ay talagang may tanda para sa mga taong nag-iisip-isip. An-Naḥl 16:11
Tafsīr:
Nagpapatubo si Allāh para sa inyo sa pamamagitan ng tubig na iyon ng mga pananim na kumakain kayo mula sa mga ito. Nagpapatubo Siya para sa inyo sa pamamagitan niyon ng mga oliba, mga datiles, at mga ubas. Nagpapatubo Siya para sa inyo ng lahat ng mga bunga. Tunay na sa tubig na iyon at anumang namumutawi buhat doon ay talagang may katunayan sa kakayahan ni Allāh para sa mga taong nag-iisip-isip sa paglikha Niya kaya nakapagpapatunay sila sa pamamagitan nito sa kadakilaan Niya – kaluwalhatian sa Kanya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Naḥl • Talata 10 Susunod An-Naḥl • Talata 12