Landscape MP4 Vertical MP4

Surah An-Naḥl — Talata 12 (Tagalog) — Bidyo

An-Naḥl • Talata 12 sa 128 • Tagalog


وَسَخَّرَ لَكُمُ اللَّيْلَ وَالنَّهَارَ وَالشَّمْسَ وَالْقَمَرَ ۖ وَالنُّجُومُ مُسَخَّرَاتٌ بِأَمْرِهِ ۗ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَآيَاتٍ لِقَوْمٍ يَعْقِلُونَ 12
Pagsasalin:
Pinagsilbi Niya para sa inyo ang gabi at ang maghapon, at ang araw at ang buwan. Ang mga bituin ay mga pinagsisilbi ayon sa utos Niya. Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda para sa mga taong nakapag-uunawa. An-Naḥl 16:12
Tafsīr:
Pinaamo ni Allāh para sa inyo ang gabi upang tumahan kayo rito at mamahinga kayo, at ang maghapon upang kumita kayo rito ng ikabubuhay ninyo. Pinagsilbi Niya para sa inyo ang araw at ginawa Niya itong isang tanglaw. Ang buwan ay ginawa Niyang isang liwanag. Ang mga bituin ay mga pinaamo para sa inyo ayon sa utos Niyang pang-itinakda. Sa pamamagitan ng mga ito ay napapatnubayan kayo sa mga kadiliman ng katihan at karagatan at nakaaalam kayo ng mga oras at iba pa roon. Tunay na sa pagpapasilbi niyon, ng lahat ng iyon, ay talagang may mga katunayang maliwanag sa kakayahan ni Allāh para sa mga taong nagpapagana sa mga pang-unawa nila sapagkat sila ay ang nakatatalos ng kasanhian mula roon.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Naḥl • Talata 11 Susunod An-Naḥl • Talata 13