Landscape MP4 Vertical MP4

Surah An-Naḥl — Talata 13 (Tagalog) — Bidyo

An-Naḥl • Talata 13 sa 128 • Tagalog


وَمَا ذَرَأَ لَكُمْ فِي الْأَرْضِ مُخْتَلِفًا أَلْوَانُهُ ۗ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَآيَةً لِقَوْمٍ يَذَّكَّرُونَ 13
Pagsasalin:
[Pinagsilbi Niya] ang nilalang Niya para sa inyo sa lupa na nagkakaiba-iba ang mga kulay nito. Tunay na sa gayon ay talagang may tanda para sa mga taong nagsasaalaala. An-Naḥl 16:13
Tafsīr:
Pinagsilbi Niya para sa inyo ang nilalang Niya – kaluwalhatian sa Kanya – sa lupa na kabilang sa nagkakaiba-iba ang mga kulay nito gaya ng mga metal, mga hayop, mga halaman, at mga pananim. Tunay na sa nabanggit na iyon na paglikha at pagpapasilbi ay talagang may katunayang hayag sa kakayahan ni Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – para sa mga taong nagsasaalang-alang dito at nakatatalos na si Allāh ay nakakakaya at tagapagbiyaya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Naḥl • Talata 12 Susunod An-Naḥl • Talata 14