Landscape MP4 Vertical MP4

Surah An-Naḥl — Talata 14 (Tagalog) — Bidyo

An-Naḥl • Talata 14 sa 128 • Tagalog


وَهُوَ الَّذِي سَخَّرَ الْبَحْرَ لِتَأْكُلُوا مِنْهُ لَحْمًا طَرِيًّا وَتَسْتَخْرِجُوا مِنْهُ حِلْيَةً تَلْبَسُونَهَا وَتَرَى الْفُلْكَ مَوَاخِرَ فِيهِ وَلِتَبْتَغُوا مِنْ فَضْلِهِ وَلَعَلَّكُمْ تَشْكُرُونَ 14
Pagsasalin:
Siya ay ang nagpasilbi ng dagat upang kumain kayo mula rito ng malambot na laman at humango kayo mula rito ng hiyas na isinusuot ninyo. Nakikita mo ang mga daong habang mga bumubungkal dito, upang maghangad kayo mula sa kabutihang-loob Niya; at nang sa gayon kayo ay magpapasalamat [sa Kanya]. An-Naḥl 16:14
Tafsīr:
Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay ang nagpaamo para sa inyo ng dagat kaya nagpakaya Siya sa inyo sa pagsakay rito at paghango ng narito upang kumain kayo mula sa mga nahuhuli ninyo na mga isda nito na laman na makatas na malambot at humango kayo mula rito ng palamuting isinusuot ninyo at isinusuot ng mga kababaihan ninyo gaya ng perlas. Nakikita mo ang mga daong habang mga bumibiyak sa mga alon ng dagat. Sumasakay kayo sa mga daong na ito sa paghahanap ng kabutihang-loob ni Allāh na natatamo mula sa tubo ng kalakalan, sa pag-asang magpasalamat kayo kay Allāh sa ibiniyaya Niya sa inyo at magbukod-tangi kayo sa Kanya sa pagsamba.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Naḥl • Talata 13 Susunod An-Naḥl • Talata 15