Nasa kay Allāh ang pagtukoy sa landas, at kabilang sa mga [landas na] ito ay nakatabingi [palayo sa katotohanan]. Kung sakaling niloob Niya, talaga sanang nagpatnubay Siya sa inyo nang magkakasama. An-Naḥl 16:9 ⧉
Tafsīr:
Nasa kay Allāh ang paglilinaw sa daang tuwid na nagpapaabot sa kaluguran Niya: ang Islām. Kabilang sa mga daan ay ang mga daan ng demonyo na nakakiling palayo sa katotohanan. Ang bawat daang hindi ang daan ng Islām, ito ay nakakiling. Kung sakaling niloob ni Allāh na magtuon sa inyo sa kalahatan sa pananampalataya, talaga sanang nagtuon Siya sa inyo roon sa kalahatan.