Surah Saba’ (Saba — سبأ) (Talata 12)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




34 Saba’(سبأ), Talata 12

وَلِسُلَيْمَانَ الرِّيحَ غُدُوُّهَا شَهْرٌ وَرَوَاحُهَا شَهْرٌ ۖ وَأَسَلْنَا لَهُ عَيْنَ الْقِطْرِ ۖ وَمِنَ الْجِنِّ مَنْ يَعْمَلُ بَيْنَ يَدَيْهِ بِإِذْنِ رَبِّهِ ۖ وَمَنْ يَزِغْ مِنْهُمْ عَنْ أَمْرِنَا نُذِقْهُ مِنْ عَذَابِ السَّعِيرِ 12 ١٢

[Pinagsilbi] para kay Solomon ang hangin. Ang pang-umagang paglalakbay nito ay [singlayo ng] isang buwan at ang pantanghaling paglalakbay nito ay [singlayo ng] isang buwan. Tumunaw Kami para sa kanya ng bukal ng tanso. Mayroong mga jinn na gumagawa sa harapan niya ayon sa pahintulot ng Panginoon niya. Ang sinumang lumiko kabilang sa kanila palayo sa utos Namin ay magpapalasap Kami sa kanya mula sa pagdurusa sa Liyab. (12)

Tafsīr
Pinagsilbi Namin para kay Solomon na anak ni David – sumakanilang dalawa ang pagbati ng kapayapaan – ang hangin. Naglalakbay ito sa umaga ng singlayo ng isang buwan [na paglalakbay] at naglalakbay ito sa tanghali ng singlayo ng isang buwan [na paglalakbay]. Nagpasalikido Kami para sa kanya ng bukal ng tanso upang yumari siya mula sa tanso ng anumang niloloob niya. May pinagsilbi Kami para sa kanya na mga jinn na gumagawa sa harapan niya ayon sa utos ng Panginoon niya. Ang kumikiling kabilang sa mga jinn palayo sa ipinag-utos Namin na gawain ay magpapalasap Kami sa kanya mula sa pagdurusa sa Apoy na naglalagablab.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba