Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Saba’ — Talata 12 (Tagalog) — Bidyo

Saba’ • Talata 12 sa 54 • Tagalog


وَلِسُلَيْمَانَ الرِّيحَ غُدُوُّهَا شَهْرٌ وَرَوَاحُهَا شَهْرٌ ۖ وَأَسَلْنَا لَهُ عَيْنَ الْقِطْرِ ۖ وَمِنَ الْجِنِّ مَنْ يَعْمَلُ بَيْنَ يَدَيْهِ بِإِذْنِ رَبِّهِ ۖ وَمَنْ يَزِغْ مِنْهُمْ عَنْ أَمْرِنَا نُذِقْهُ مِنْ عَذَابِ السَّعِيرِ 12
Pagsasalin:
[Pinagsilbi] para kay Solomon ang hangin. Ang pang-umagang paglalakbay nito ay [singlayo ng] isang buwan at ang pantanghaling paglalakbay nito ay [singlayo ng] isang buwan. Tumunaw Kami para sa kanya ng bukal ng tanso. Mayroong mga jinn na gumagawa sa harapan niya ayon sa pahintulot ng Panginoon niya. Ang sinumang lumiko kabilang sa kanila palayo sa utos Namin ay magpapalasap Kami sa kanya mula sa pagdurusa sa Liyab. Saba’ 34:12
Tafsīr:
Pinagsilbi Namin para kay Solomon na anak ni David – sumakanilang dalawa ang pagbati ng kapayapaan – ang hangin. Naglalakbay ito sa umaga ng singlayo ng isang buwan [na paglalakbay] at naglalakbay ito sa tanghali ng singlayo ng isang buwan [na paglalakbay]. Nagpasalikido Kami para sa kanya ng bukal ng tanso upang yumari siya mula sa tanso ng anumang niloloob niya. May pinagsilbi Kami para sa kanya na mga jinn na gumagawa sa harapan niya ayon sa utos ng Panginoon niya. Ang kumikiling kabilang sa mga jinn palayo sa ipinag-utos Namin na gawain ay magpapalasap Kami sa kanya mula sa pagdurusa sa Apoy na naglalagablab.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Saba’ • Talata 11 Susunod Saba’ • Talata 13