Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Saba’ — Talata 13 (Tagalog) — Bidyo

Saba’ • Talata 13 sa 54 • Tagalog


يَعْمَلُونَ لَهُ مَا يَشَاءُ مِنْ مَحَارِيبَ وَتَمَاثِيلَ وَجِفَانٍ كَالْجَوَابِ وَقُدُورٍ رَاسِيَاتٍ ۚ اعْمَلُوا آلَ دَاوُودَ شُكْرًا ۚ وَقَلِيلٌ مِنْ عِبَادِيَ الشَّكُورُ 13
Pagsasalin:
Gumagawa sila para sa kanya ng anumang niloob niya na mga sambahan, mga rebulto, mga batya gaya ng mga labangan, at mga kalderong nakahimpil. Gumawa kayo, mag-anak ni David, bilang pasasalamat. Kaunti mula sa mga lingkod Ko [na tao at jinn] ang mapagpasalamat. Saba’ 34:13
Tafsīr:
Gumagawa ang mga jinn na ito para kay Solomon ng anumang ninais niya na mga patirapaan para sa pagdarasal, mga palasyo, anumang niloloob niya na mga imahen, at anumang niloloob niya na mga labador tulad ng mga malaking lagayan ng tubig, at mga kalderong lutuan na nakatigil kaya hindi naigagalaw dahil sa laki ng mga ito. Nagsabi sa kanila: "Gumawa kayo, O mag-anak ni David, bilang pasasalamat kay Allāh dahil sa ibiniyaya Niya sa inyo." Kaunti mula sa mga lingkod Ko ang mapagpasalamat sa Akin dahil sa ibiniyaya Ko sa kanila.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Saba’ • Talata 12 Susunod Saba’ • Talata 14