Surah An-Naml (Ang Langgam — النمل) (Talata 14)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




27 An-Naml(النمل), Talata 14

وَجَحَدُوا بِهَا وَاسْتَيْقَنَتْهَا أَنْفُسُهُمْ ظُلْمًا وَعُلُوًّا ۚ فَانْظُرْ كَيْفَ كَانَ عَاقِبَةُ الْمُفْسِدِينَ 14 ١٤

Nagkaila sila sa mga [tandang] ito – samantalang tumiyak sa mga ito ang mga sarili nila – bilang kawalang-katarungan at bilang pagmamataas. Kaya tumingin ka kung papaano naging ang kinahinatnan ng mga tagagulo. (14)

Tafsīr
Tumanggi silang sumampalataya sa mga tandang malilinaw na ito at hindi kumilala sa mga ito – samantalang tumiyak ang mga sarili nila na ang mga ito ay mula sa ganang kay Allāh – dahilan sa paglabag nila sa katarungan at pagmamalaki nila sa [pagtanggi sa] katotohanan. Kaya magnilay-nilay ka, o Sugo, kung papaano naging ang kinahinatnan ng mga tagagulo sa lupa dahil sa kawalang-pananampalataya nila at mga pagsuway nila sapagkat ipinahamak Namin sila at winasak Namin sila sa kabuuan nila.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba