Nagkaila sila sa mga [tandang] ito – samantalang tumiyak sa mga ito ang mga sarili nila – bilang kawalang-katarungan at bilang pagmamataas. Kaya tumingin ka kung papaano naging ang kinahinatnan ng mga tagagulo. An-Naml 27:14 ⧉
Tafsīr:
Tumanggi silang sumampalataya sa mga tandang malilinaw na ito at hindi kumilala sa mga ito – samantalang tumiyak ang mga sarili nila na ang mga ito ay mula sa ganang kay Allāh – dahilan sa paglabag nila sa katarungan at pagmamalaki nila sa [pagtanggi sa] katotohanan. Kaya magnilay-nilay ka, o Sugo, kung papaano naging ang kinahinatnan ng mga tagagulo sa lupa dahil sa kawalang-pananampalataya nila at mga pagsuway nila sapagkat ipinahamak Namin sila at winasak Namin sila sa kabuuan nila.